Wednesday, February 23, 2011

Kasalanan man ang ibigin ka...

Dalawang taon na ang nakalipas nang makilala ka
Isang gabing hindi ko inaasahang makapiling ka
'Di maipaliwanag ang nararamdaman
Araw-araw gusto kong ako'y iyong hagkan
at 'di makapaghintay na dumampi ang 'yong labi upang ako'y halikan
at ang init ng iyong yakap, nagdadala sa akin sa ulap.
Mahirap man paniwalaan, ako ma'y nagtataka
kung bakit gayun nalang ang naramdaman ng makapiling ka.
Pinilit kong iwasan at kalimutan ka,
pinilit kong ibaon ang mga alaala at kalimutang mahal kita.
Ibinaling ko ang atensyon sa iba upang makalimutan ka.
Bawat sandali kapag naalala ka, 
larawan mo'y hinahanap-hanap ng aking mga mata.
Ang tadhana nga naman ay sadyang mapaglaro,
at tayo ngayo'y muling pinagtagpo.
Hindi na palalagpasin pa ang pagkakataong ito,
aaminin ko na sa'yo ang laman ng aking puso.
Mahal kita! Mahal kita!
Kasalanan man ang ibigin ka.
Iibibigay lahat sa'yo, ang sarili ko ng buong-buo.
Makikipagsapalaran ako, sa ating pagmamahalan.
Ano man ang sabihin ng iba, iyon ay hindi mahalaga,
Ipagsisigawan ko pa rin na MAHAL kita!
Mahal kita... O giliw ko, Mahal kita!


No comments:

Post a Comment