Friday, February 25, 2011

MAHAL KITA!

Sa aking paggising naalala ka,
sapagkat sa aking pagtulog napanaginipan kita,
niyakap mo ako at hinalikan kita.

Ako'y sabik na sabik na mahagkan ka,
paulit-ulit kong sinasambit na MAHAL KITA!
mahigpit ang hawak ko sa'yong mga kamay,
sapagkat sayo'y ayokong mahiwalay.

Di ko kakayananin at ikakamatay,
kapag sa akin giliw ko, ika'y mawalay,
sapagkat MINAMAHAL KITA ng TUNAY!

Wednesday, February 23, 2011

IF YOU FORGET ME by Pablo Neruda


























I want you to know
one thing.

You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.

If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.

But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine. 

 



Kasalanan man ang ibigin ka...

Dalawang taon na ang nakalipas nang makilala ka
Isang gabing hindi ko inaasahang makapiling ka
'Di maipaliwanag ang nararamdaman
Araw-araw gusto kong ako'y iyong hagkan
at 'di makapaghintay na dumampi ang 'yong labi upang ako'y halikan
at ang init ng iyong yakap, nagdadala sa akin sa ulap.
Mahirap man paniwalaan, ako ma'y nagtataka
kung bakit gayun nalang ang naramdaman ng makapiling ka.
Pinilit kong iwasan at kalimutan ka,
pinilit kong ibaon ang mga alaala at kalimutang mahal kita.
Ibinaling ko ang atensyon sa iba upang makalimutan ka.
Bawat sandali kapag naalala ka, 
larawan mo'y hinahanap-hanap ng aking mga mata.
Ang tadhana nga naman ay sadyang mapaglaro,
at tayo ngayo'y muling pinagtagpo.
Hindi na palalagpasin pa ang pagkakataong ito,
aaminin ko na sa'yo ang laman ng aking puso.
Mahal kita! Mahal kita!
Kasalanan man ang ibigin ka.
Iibibigay lahat sa'yo, ang sarili ko ng buong-buo.
Makikipagsapalaran ako, sa ating pagmamahalan.
Ano man ang sabihin ng iba, iyon ay hindi mahalaga,
Ipagsisigawan ko pa rin na MAHAL kita!
Mahal kita... O giliw ko, Mahal kita!